Iba-iba ang pananaw sa pag-unlad. Ang pananaw na
ginagamit ang nagiging batayan ng depinisyon ng pag-unlad. Ang pag-unlad ay
hindi lamang naglalayon na mapaunlad ang ekonomiya o tumutukoy lamang sa
dimensyong pangkabuhayan ng bansa. Bahagi ng proseso ng pag-unlad ay ang
pagtaas ng kalidad ng iba pang aspeto ng pagunlad tulad ng pulitikal,
sosyo-kultural, pang-tao, spiritual, at ekolohikal. Magkakaugnay ang mga bahagi
ng lipunan kung kaya kailangang maging buo ang pagtingin sa pag-unlad.
Tao ang sentro ng pag-unlad. Ang tao ang dapat makinabang
nito. Ang tunay na pag -unlad ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao at
nagtataas ng kalidad ng kanilang buhay.
Isa sa mga pag-unlad ng tao ay ang kaunlarang panlipunan. Ang Kaunlarang Panlipunan o Social Development ay nangangahulugang may pag-unlad kung may katarungan at pagkakapantay-pantay sa oportunidad sa bawat isang kasapi ng lipunan.