EPIKO
Ito ay nagmula sa sinaunang salitang Griyego na ἐπικός (epikos), at ἔπος (epos) na nangangahulugang "salita", "kuwento", o "tula".
Ito ay mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao.
URI NG EPIKO
1. Oral Poetry - mga sinaunang epiko na nabuo lamang sa pamamagitan ng pagkukuwento sa iba't ibang tao.
2. Oral Epic o World Folk Epic - Ito ay mahahabang tula na iniuuri-uri (classifying) batay sa haba ng palabas, konsepto, interes, at kahalagahan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo at pagtanghal nito sa entablado o sa harap ng maraming manonood.
3. Epyllion - mas maiikling epiko kumpara sa Oral Poetry na nakilala noong Hellenistic Period dahil sa taglay nitong tema. Bukod sa kabayanihan ay ipinapakiita rin dito ang pag-ibig at romansa.