Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

Ilan ang patinig?at Ilan ang katinig?


Sagot :

May dalawamput walong titik na bumubuo sa Alpabetong Pilipino. Ito'y binubuo ng mga patinig at katinig. Ang patinig ay binibigkas nang walang paghihigpit sa daanan ng boses. Ang katinig naman ay binibigkas ng may pagsasara sa daanan ng boses. Ang bilang ng patinig ay lima (5) at dalawamput tatlo (23) naman ang bilang ng katinig.

Alpabetong Pilipino

Ang Alpabetong Pilipino ay tumutukoy sa alpabeto ng wikang Filipino. Ang bilang ng titik ng Alpabetong Pilipino noon ay dalawampu (20) lamang. Ito ay tumutukoy sa ABAKADA. Sa makabagong Alpabetong Pilipino ay dalawamput walo na ang titik. Ito ay dahil sinamahan na ito ng mga hiram na letra.

Mga Patinig

May limang patinig sa Alpabetong Pilipino. Ito ay ang mga titik A, E, I, O at U. Kung mapapansin, ang pagbigkas ng mga tunog ng mga ito ay banayad lamang. Walang paghihigpit na nagaganap sa anumang daanan ng boses. Narito ang ilang salita na nagsisimula sa patinig:

  • abaniko
  • eroplano
  • itlog
  • orasan
  • ubas

Mga Katinig

Ang dalawamput tatlong titik naman na natira sa Alpabetong Pilipino ay katinig. Kasama sa katinig ang mga hiram na letra. Ito ay ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z. Ang ilan pang titik ay B, D, G, H, K, L, M, N, Ng, P, R, S, T, W at Y. Narito ang ilang salita na nagsisimula sa katinig:

  • bubong
  • daga
  • kalabaw
  • lapis
  • prutas

Karagdagang halimbawa ng salita na nag-uumpisa sa patinig at katinig:

https://brainly.ph/question/860083

#LearnWithBrainly

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Bumalik sa Imhr.ca para sa karagdagang kaalaman at kasagutan mula sa mga eksperto.