Ang pag-ibig ay isa sa mga malinaw na
paksa sa nobelang "Ang Kuba Sa Notre Dame", ang pag-ibig na maaaring
umiral sa maraming paraan. Ito ay maaaring pag-ibig sa pagitan ng
ina at anak, pag-ibig sa pagitan ng isa at ang kanyang mga libangan, at pag-ibig
sa pagitan ng isa at ang isang bagay ay relasyon na naroroon sa mga kuba ng
Notre Dame lahat. Tulad ng isa sa mga tauhan ng nobela, si Claudio
Frollo. PInatunayan ng pari sa Notre Dame na mahalaga sa kanya ang
nakakabatang kapatid na si Jehan. Inampon niya ito at tinugunan ang lahat ng
pangangailan. Ang kanyang pag-ampon sa kubang si Quasimodo at pagturing nito
bilang isang tunay na kapamilya ay isa rin sa mga nabanggit sa nobela. Ang
pagkawala ng bait ni Sister Gudule sanhi ng pagkawala ng kanyang
anak ay isa ring malinaw na patunay na mahalaga ang kanyang anak sa
kanya. Sa nobelang ito, ang pagpapahalaga sa pamilya ang isa sa mga tema.