Karaniwan, ang isang nobelang gothic ay may kasamang isang
madilim na tagpo, kadalasan sa isang lumang kastilyo na nilikha sa pamamagitan
ng pananabik pag-aalaala; ang hitsura ng mahiwagang palatandaan na kumilos
bilang mga babala o hula; pagpapakilos ng mga malakas na damdamin; at siyempre
isang binantaang babae na nangangailangan ng reskyo o saklolo. Ang kuba ng Notre Dame ni Hugo ay naglalaman
ng lahat ng mga sangkap. Unang-una ay
ang gothic katedral ng Notre Dame sa kanyang
mala kastilyong istraktura at mga pagpapaganda ng gargoyles, madilim
malabo, kampanaaryong hagdanan, at mga lihim na silid. Ang tagpuan na ito ay binibigyang-diin ang misteryo
at agam. Pagkatapos ay ang patuloy na daloy
ng emosyon, kabilang na ang pag-asa, maikling kaligayahan, sorpresa, pagkagulat,
pagkabigo, at takot.
Kabilang din sa mga ginamit ni Hugo na mga elemento ay ang hindi makatwiran, tulad ng pangkukulam, black
magic, alchemy, kinahuhumalingan, at katusuhan. Nagdagdag din si Hugo ng
propesiya o omen.