Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan sa aming Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

ano ang kahulugan ng interaksyon ng tao at kapaligiran

Sagot :

Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran

Ang interaksyon ng tao sa kapaligiran ay:

  • Tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa kanyang kinaroroonan partikular sa pisikal na katangian nito.

  • Sumasagot din ito katanungang "Ano ang ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran?".

  • Tumutukoy din sa kung paano, umaasa sa kapaligiran ang tao, kung paano nililinang ng tao ang kapaligiran, at kung paano umaangkop sa kapaligiran ang tao.

  • Isa rin ito sa limang tema ng pag aaral ng heograpiya (lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw)

Uri ng Interaksyon

  • Pagsalalay (Dependence)

  • Pag ayon (Adaptation)

  • Pagbago (Modification)

Kasalukuyang kalagayan ng ugnayang tao at kapaligiran

Sa kasalukuyan, mapapansin ang hindi na magandang ugnayan ng tao at kapaligiran.

Sa iresponsableng mga gawain ng mga tao ay unti unti ng nasisira ang kapaligiran na nagdudulot ng ibat ibang problema tulad ng polusyon sa hangin, tubig, landslide dahil sa pagputol ng mga kahoy, baha dahil sa mga basurang bumabara at marami pang iba (https://brainly.ph/question/106055).

Maliban sa mga sakunang mga naidudulot, ang pagkasira ng kapaligiran ay nagreresulta din sa kakulangan ng pangunahing pangangailangan tulad ng mga pagkain.

Kaya, upang maagapan ang nasisirang ugnayan ng tao at kapaligiran, ay dapat na kumilos na tayo ngayon habang maaga pa. Baguhin ang dapat baguhin para sa kabutihan ng tao at kapaligiran (https://brainly.ph/question/2515583).

#BetterWithBrainly