Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ano nga ba ang tema? Ang tema o paksa ay ang bagay na pinag uusapan o tinatalakay sa isang akda.
Marami ang tema na tinatalakay sa kwento ng Ang Kuba ng Notre Dame ngunit kalimitan sa mga ito ay tungkol sa pag-ibig, ang mga tema sa Ang kuba ng Notre dame ay ang mga sumusunod:
- Ang tema ng Ang Kuba ng notre Dame tinatalakay dito ang Buhay ni Quasimodo ang isang kuba na dahil sa kanyang kapangitan ay binansagang ang Papa Ng Kahangalan. pinapakita na karamihan parin sa mga tao ay tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang tao, nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo ng isang tao hindi iniisip kung masasaktan ba ang taong kanilang kinukutya.
- Tinatalakay din dito ang mabuting ugali ni Quasimodo sa kabila ng kanyang kapangitan at pangungutya ng mga tao ay taglay pa rin niya ang pagiging mapagtiis at marunong tumanaw ng utang na loob ng akuin niya ang kasalanang nagawa ng taong umampon sa kanya.
- Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal ni Quasimodo kay La Esmeralda. Hanggang sa kabilang buhay ay sinahan niya ito.
- Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na si Sister Gudule hindi niya kinaya ang pagkawala ng kanyang anak na babae sapagkat mahal na mahal niya ito, kaya siya ay nasiraan ng bait.
- Ang pagmamahal ng isang kapatid sa kanyang kapatid katulad ni Claude Frollo pinakita niya at ginawa niya ang lahat para sa kanyang kapatid na si Jehan.
Ang Kuba ng Notre dame ay isinulat ni Victor Hugo. Ang mga tauhan sa Kuba ng Notre Dame ay ang mga sumusunod :
- Quasimodo - ang kuba sa kwento na binansagang ang Papa ng Kahangalan
- La Esmeralda- ang babaeng mananayaw ang nag iisang babaeng inibig ni Quasimodo.
- Pierre Gringoire- ang kilalang tauhan na nagpupunyagi na makata at pilosopo
- Claude Frollo- ang paring umampon kay Quasimodo, ang kapatid ni Jehan
- Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris
- Sister Gudule - ang babaeng nawala sa sarili dahil sa pagkawala ng kanyang anak na babae.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Sino ang tauhan sa nobelang ang kuba ng notre dame?https://brainly.ph/question/186331
Tagpuan sa nobelang ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/456996
Suring basa sa ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/423643
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.