azhalea
Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Sanaysay sa Filipino Tungkol sa Wika (Theme: Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran

Sagot :

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Heto ang isang halimbawa ng isang sanaysay tungkol sa wika na may temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.


         Kung may pagkakaintindihan, may pagkakaisia at kung may pagkakaisa, may kaunlaran.
       Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.  Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino.  Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.
         Kaya naman magtulungan at paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.