Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Ano ang pagkakaiba ng tanka sa haiku?

Sagot :

Ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una.
Halimbawa ng Haiku:

Puno ay sanga
Bisagra ay talahib,
Kandado’y suso.

Ang tanaga naman  ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod),
binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod), at puno ng talinghaga.

Halimbawa:

SIPAG
Magsikhay nang mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari