Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Pang-uri
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan.
Tatlong Antas ng Pang-uri
1. Lantay - ito ay naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip
Halimbawa:
- Si Jeric ay mabait.
- Si Vince ay matangkad.
- Si ate ay masipag.
- Si nanay ay maalalahanin.
- Ang bulaklak na sampaguita ay mabango.
2. Pahambing – ito ay naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamitan ito ng mga salitang mas, lalo, higit na, parehong, di gaanong, magkasing, magsing.
Halimbawa:
- Mas matalino si Luz kaysa kay Liza.
- Mas matangkad si Ben kaysa kay Eric.
- Mas masipag ang magtrabaho ang kalabaw kaysa sa baka.
- Magkasing tamis ang tsokolate at sorbetes.
- Parehong maasim ang kamias at kalamansi.
3. Pasukdol - katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang pinaka, napaka at ubod ng.
Halimbawa:
- Pinakamatangkad sa klase si Ellen.
- Pinakamaganda si Joanna sa magkakapatid.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Halimbawa ng Pang-Uri; brainly.ph/question/104665
#BetterWithBrainly
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang tagasagot. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang impormasyon.