Answered

Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

bakit nagwakas ang kabihasnang minoan?

Sagot :

Iba-iba ang palagay ng mga eksperto kung bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan. May mga nagsasabi na dahil ito sa pagputok ng isang bulkan noong panahong iyon sa isla ng Thera (Santorini). Ang iba ay nagsasabi naman na dahil sa panlulupig ng mga Mycenaean. Kaya hindi malinaw ang tunay na dahilan kung bakit nagwakas ang kabihasnang ito.

Bumuo ang mga arkeologo ng teoriya sa pagwawakas ng kabihasnang Minoan. Halimbawa ay ang pagsabog ng bulkan sa islang Thera. Ipinapalagay na isa ito sa pinakamalalakas ng pagsabog ng bulkan. Iniisip ng mga eksperto na dahil sa pinsalang naidulot ng pagsabog ng bulkan, kung kaya ang kabihasanan ay nagwakas. Maaaring nasira ang mga pananim noon at marami ang nagutom. Iniisip din nila na nagkaroon noon ng tsunami dahil sa pagputok ng bulkan, kung kaya’t maraming nasirang mga bahayan at istrutkura noong panahong iyon, na naging dahilan ng pagbagsak ng kabihasanan.  

Maraming mga arkeologo din ang nagsasabi na dahil sa pagputok ng bulkan doon, naging madali para sa mga manlulupig na Mycenaean na masakop ang mga Minoan. At ipinapakita rin ng ilang ebidensya na ang isla ay tinupok ng apoy, pero hindi lahat ng mga istruktura ay nasira o nagtamo man lang ng katiting na pinsala mula sa apoy. Kaya maaaring ang dalawang teorya nilang iniisip ang dahilan kung bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan.


Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/76599

https://brainly.ph/question/460391

https://brainly.ph/question/210899


Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa pinakabagong mga sagot at impormasyon.