Answered

Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

halimbawa po ng sanaysay SA Filipino wikang pambansang kaunlaran

Sagot :

           Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at bawat isla ay may sariling dayalekto o wika. Dahil sa pagkakaiba ng linggwaheng gamit, kadalas'y hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Sa ganitong dahilan, napagkasunduan na at idineklara ang Wikang Pilipino bilang isang wikang pagkakakilanlan o wikang pambansa.
             Kung may pagkakaintindihan, may pagkakaisia at kung may pagkakaisa, may kaunlaran. Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.  Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino.  Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.  Kaya naman magtulungan at paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.