: Iguhit sa linya bago ang bilang ang mukhang masaya kung tama at malungkot naman kung mali ang iyong mararamdaman sa bawat sitwasyon. 6. Nawala mo ang pambayad sa kuryente. Sinabihan ka ng pinsan mo na ipaalam ang totoo sa iyong mga magulang kahit na magalit at malungkot sila dahil inutang lamang ang pera na naiwala mo. 7. May inuumpisahan kang isang bagay na makatutulong para mabawasan ang basura sa inyong paligid. Pinayuhan ka ng iyong guro na ipagpatuloy ang naimbento mo at ipakita sa inyong punong guro para mabigyan ng pansin at mapanatili ang kalinisan ng inyong kapaligiran. 8. Nawalan ng trabaho ang tatay mo at hirap na kayo sa buhay dahil may mga maliliit ka pang kapatid. Sinabihan ka ng inyong kapitbahay na maghanap ng trabaho. 9. Ikaw ay may talento sa pagkanta, niyaya ka ng iyong kasamahan sa simbahan na sumali sa kanilang choir ngunit sinabihan ka ng iyong barkada na huwag na dahil aksaya lamang ito sa oras. 10. May proyekto kayo sa ESP na ipapasa sa Huwebes, niyaya ka ng iyong mga kaklase na sabay kayong gumawa ng proyektong iyon para masaya at makapagbigay ng opinyon sa isa't isa upang maging maganda ang kalalabasan nito.