kahilang pagkatao. - Gawain: Salungguhitan ang pangyayari o bahagi ng nobela na nagpapakilala sa kultura o pagkakilanlan ng bansang France na siyang pinagmulan ng akda. Isulat naman sa ikalawang kolum ang kultura ng France na maaaninag sa iyong sinalungghitan. Bahagi o Pangyayari sa Akda/Nobela Kultura o Pagkakilanlan ng Bansa 1. Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa "Pagdiriwang ng Kahangalan" na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo - ang kuba ng Notre Dame bilang "Papa ng Kahangalan" dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. 2. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya. 3. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya't nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus - ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo.