Ang
haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y
may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una.
Halimbawa ng Haiku:
Puno ay sanga
Bisagra ay talahib,
Kandado’y suso.
Ang tanaga naman ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at
binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod
(linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat
taludtod),
binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat
pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma
(pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod), at
puno ng talinghaga.
Halimbawa:
SIPAG
Magsikhay nang mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari