Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

halimbawa ng sanaysay tungkol sa "Filipino wika ng pambansang kaunlaran

Sagot :

 Sanaysay tungkol sa Filipino, wika ng Pambansang kaunlaran:

         ANg kaunlaran ng isang bansa ay resulta mula sa iba't-ibang mga salik na may malaking epekto sa aspeto at lahat ng larangan o pagpapatakbo ng ekonomiya sa isang bansa. Isa na dito ang wika.
         Kung may pagkakaintindihan, may pagkakaisia at kung may pagkakaisa, may kaunlaran. Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.  Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino.  Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.  Kaya naman magtulungan at paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.




Mula sa bako-bakong daan tungo sa maaliwalas na kinabukasan, ang nagiging sanhi nito ay ang pagkakaunawaan, pagkakaunawaan na ang susi ay ating wikang kinagisnan, pagkat bawat bansa ay may kanya-kanyang wika, wikang nagbubuklod upang makamit ang bawat ninanasa.
wikang Filipino ang naging daan upang makamtan natin ang pambansang kaunlaran.