Ang demand schedule ay isang chart o talahanayan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto o serbisyo at ang mga presyo nito na karaniwang hinihiling. Kaya isa itong talahanayan na nagpapakita ng kaugnayan ng mga presyo ng isang produkto at ang bilang ng produkto na gustong bilhin o kunin ng isang kostumer.
Karaniwan nang nahahati ito sa dalawang columns. Ang unang column ay listahan ng mga presyo ng produkto. Ang ikalawang column naman ay listahan ng bilang ng mga produkto na hinihiling o kinakailangan ng mga kostumer. Ang relasyon o kaugnayn ng produkto sa kahilingan ay nagbabago dahil sa presyo nito. Kapag tumataas ang presyo ng produkto, karaniwan nang bumababa ang bilang ng kahilingan.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/206762
https://brainly.ph/question/206783
https://brainly.ph/question/550605