Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga propesyonal. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

Ano ibig sabihin ng kakalasan at kasukdulan?

Sagot :

Answer:

Ibig sabihin ng kakalasan at kasukdulan

Kakalasan

Ang kakalasan ay isang elemento ng maikling kwento kung saan ang mga problema o suliranin ay unti-unti ng naayos. Ito ang parte ng kwento na ang mga pangunahing problema ay nabibigyan na ng solusyon ng tauhan.

Kasukdulan

Ang kasukdulan ay isang elemento ng maikling kwento kung saan nagaganap at nangyayari ang mga problema at suliranin ng mga tauhan. Ito ang parte na pinaka-inaabangan ng mambabasa sapagkat dito malalaman kung mabibigo o magtatagumpay ang pangunahing tauhan sa paglutas ng problema.

Iba pang elemento ng maikling kwento

  1. tauhan
  2. tagpuan
  3. banghay
  4. kaisipan
  5. suliranin
  6. tunggalian
  7. paksang diwa

Ilan sa mga Sikat na Maikling Kwento sa Pilipinas;

  1. Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg  
  2. Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute  
  3. Tata Selo ni Rogelio Sicat  
  4. Ang Kura at ang Agwador ni Rogelio Sicat  
  5. Walang Panginoon ni Deogracias Rosario  
  6. Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan  
  7. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes  
  8. Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute  
  9. Geyluv ni Honorio de Dios  
  10. Ang Kalupi ni Benjamin Pascual  
  11. Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes  
  12. Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg  
  13. Di Maabot ng Kawalang Malay ni Edgardo Reyes  
  14. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes  

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:  

Halimbawa ng mga maikling kwento: brainly.ph/question/1655021  

#BetterWithBrainly