Malaki na ang pagkakaiba na ng paraan ng pagsusulat noon sa
ngayon. Isa na dito ay ang mga
kasangkapan sa pagsusulat tulad ng papel, lapis, ballpen at iba pa. Noon, wala pang papel, kaya isinusulat ito sa
mga balat ng hayop, puno o maski sa bato pa nga. Tapos ang kanilang gamit pansulat ay ang
tinta gamit ang mga matutulis na bagay, mga balahibo at iba pa. Bagaman mayroon na ring sistema ng pagsusulat
noon, hindi ito gaanong itinuturo hanggang sa sinakop ng mga Espanyol ang
Pilipinas at naiambag na sa atin ang kanilang wika at sistema ng pagsusulat.
Sa ngayon, ang ating pagsusulat ay mas hi-tech na kompara
noon. Hindi lang ballpen ang pwedeng
pansulat kundi pwede ka nang magtype sa iyong cellphone o sa iyong computer at
i-print mo na lang ito sa printer. Pati
ang pagpapadala ng sulat ay ibang-iba na.
Noon, sa mga post office ito ipinapadala. Ngayon ay sa mismong computer na.