Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

anu ano po ba ang uri ng klima sa bawat rehiyon sa asya?

Sagot :

ncz
KLIMA

Ang mga klima ay mga produkto ng mga kaganapan sa latitude, taas ng lupa o elevation, topograpiya, distansya mula sa karagatan at lokasyon ng isang kontinente.



MGA URI NG KLIMA SA ASYA


Hilagang Asya
- Sentral Kontinental.

-Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng 6 na buwan at maigsi lang ang tag-init, ngunit may mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.

-Malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig na klima.



Kanlurang Asya
 - Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.

- Bihira at halos 'di nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyong ito.

- Kung uulan dito ay kadalasang bumabagsak lang sa mga pook na sa dagat ay medyo malapit.



Timog Asya 
- Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon sa rehiyong ito.

- Mahalumigmig 
kung June/Hunyo hanggang September/Setyembre pero taglamig kung December/Disyembre hanggang February/Pebrero at kung March/Marso hanggang May/Mayo, tag-init at tagtuyot.

- Nananatiling malamig dahil sa snow/niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyong ito.



Silangang Asya
 - Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon dahil malawak ito. At ang mga bansa dito ay nakararanas ng iba't ibang panahon.

- Ang mga nasa mababang latitude ay nakararanas ng mainit na panahon samantalang malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyong ito.



Timog-Silangang Asya 
- Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal, nakararanas lamang ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

- Hindi karaniwan ang umulan ng snow/niyebe sa mga bahaging tropikal tulad ng Pilipinas.
View image ncz