Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang detalyadong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

Ano ang kahulugan ng /BA:ta/ at /ba:TA/

Sagot :

Ang /BA:ta/ at /ba:TA/ ay pareho ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan dahil sa diin ng mga ito. Ang kahulugan ng /BA:ta/ at /ba:TA/ ay narito. Ang kahulugan ng /BA:ta/ ay anak at tao na may mababang edad pa lamang. Ang kahulugan naman ng /ba:TA/ ay tiis. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng /BA:ta/ at /ba:TA/ ay nasa ibaba.

Dahil sa konsepto ng diin, ang kahalagahan ng /BA:ta/ at /ba:TA/ ay magkaiba kahit pareho ang baybay ng mga ito. Alalahanin na ang diin ay nasa parte ng salita na naka-kapital ang mga letra.

Ang kahulugan ng /BA:ta/ at /ba:TA/ ay ang sumusunod:

I. /BA:ta/

  • Kahulugan: anak; tao na may mababa o murang edad pa lamang
  • Halimbawang pangungusap: Sa panahon ngayon, ang mga bata ay marunong nang gumamit ng gadgets kahit na sa murang edad.

II. /ba:TA/

  • Kahulugan: tiis
  • Halimbawang pangungusap: Ang bata niya sa pananakit ng kanyang asawa ay hindi biro.  

Iyan ang kahulugan ng /BA:ta/ at /ba:TA/.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa.

https://brainly.ph/question/1754243

https://brainly.ph/question/1753288

https://brainly.ph/question/271692