Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

halimbawa ng kusang loob

Sagot :

Kusang Loob

Ang kusang loob ay ang mga gawain ng tao na hindi labag sa kanilang kalooban. Ginagawa nila ito ng hindi humihinigi ng kapalit o kabayaran.  Marami sa ating mga Pilipino ang may kusang loob na ginagawa ang isang bagay o aksyon na nakakabuti sa ibang tao.

Kadalasan ng mga taong may kusang loob ay mayroon rin mabubuting puso. Matulungin at may respeto ang mga pangunahin character ng taong may kusang loob. Ang mga taong may kusang loob ay hindi nangangailangan tumulong sa kapwa.

Halimbawa na lamang ay ang mga sumusunod:

  • Naghuhugas ng kinainan at iba pang ginamit sa kusina na hindi na kailangan pang utusan ng magulang. Ang tawag sa pag gawa nito ay may kusang loob.
  • Pagtulong sa mga matatandang may dalang mabigat na gamit.
  • Pagtatapon ng basura na hindi na kailangan pang utusan.
  • Pagsasauli ng natagpuan gamit sa may ari.
  • Pagsali sa mga kawang gawang nakakatulong sa ibang tao.
  • Pag-amin sa kasalanan

Narito naman ang iba pang halimbawa ng pag gamit ng kusang loob sa pangungusap:

  • Si Jesse ay kusang loob na ibinigay ang kanyang baon pagkain sa kanyang kaibigan.
  • Kami ay nagkusang loob na ibinahagi ang kaalaman tungkol sa wastong pagaalaga ng katawan.
  • Si James ay isang huwaran estudyante. Tinutulungan nya at kusang loob siyang nagbibigay ng gabay sa mga kaklase nyang nangangailangan ng tulong sa kanilang mga aralin.

Masarap sa pakiramdam kada may natutulungan kang ibang tao na hindi umaasa na maibalik o mabayaran ang iyong ginawa. Ito ay hindi sapilitan at talaga naman gusto mong gawin para sa iba o para sa ikakabuti ng iyong sarili.

Narito ang iba pang links na makakatulong makasagot sa tanong na ito:

  1. https://brainly.ph/question/1741054
  2. https://brainly.ph/question/1758226
  3. https://brainly.ph/question/1755981

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa mas marami pang impormasyon at kasagutan.