Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan
Ang "Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte ay masining na pagpapahayag ng pinagmulan ng kultura, ang mga ipinaglaban at napagtagumpayan ng mga sinaunang tao o katutubo, at ang kultura sa mundo bilang bunga ng matagal na panahong pakikibaka sa patuloy at nagbabago-bagong panahon.
Dito, sinabi na bilang regalo naman ng kasalukuyan, ang kultura ay patuloy na pinaaasenso at ginagamit habang pinapahalagahan ng mga tao. Nakalagay rin na ang kultura bilang buhay ng kinabukasan. Ito na ang maaaring sagot sa naghahanap ng “ang pamana ng nakaraan ni pat villafuerte buod”.
Narito ang ilang halaw mula sa KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan:
"NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan."
"NGAYON, sapanahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon "
"BUKAS, angkulturang itinudla ng nakaraan
at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan. "
Paliwanag sa KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan:
Ang Kultura ay pamana ng nakaraan dahil nangyari o nabuo ito noong sinaunang panahon at ginugulan ng mga taong sinauna. Ang mga taong ito ay ang ating mga ninuno at ang ating mga pinagmulan. Tinatalima natin ang kung ano-ano ang mayroon tayo noon at ngayon dahil ginampanan nilang lumikha, mabuhay, at makaligtas para magkaroon pa ng maraming henerasyon.
Regalo ng kasalukyan ang Kultura dahil patuloy-tuloy tayong natuto sa kanilang mga galing, kahusayan at mga pamanang karunungan. Sa bawat galaw din natin sa araw-araw at habang binubuhay natin ang ating mga tradisyon, nagtutuloy-tuloy ang ating kultura na siyang nagpapakulay ng ating mga buhay. Ang mga regalo na napakikinabangan natin sa pang-araw-araw na buhay ay ang Sining, Medisina, Siyensa at Astrolohiya, Estratehiya sa politikal at sosyal na buhay, Teknolohiya, at Pangangalakal.
Buhay ng kinabukasan ang kultura dahil kung ‘di natin matututunan at ‘di pahahalagahan ang ating kultura na ipinamana at iniregalo para sa ating henerasyon at mga darating pang henerasyon, ‘di tayo magkakaroon ng kinabukasan. Halos lahat ng ating galaw at mga produkto ay hinuha sa kultura natin.
Tingnan kung ano ang ibig sabihin ng kultura o iba pang kahulugan ng kultura sa mga link na ito:
- brainly.ph/question/74630
- brainly.ph/question/228919
At para sa hinahanap ang Anung uri na tula? ayon sa layon " KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte, tingnan ang link na ito
- brainly.ph/question/164929
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Ang iyong mga katanungan ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.