Answered

Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

ano ang kahulugan ng anak pawis

Sagot :

Kahulugan ng Anak-Pawis

Ang anak-pawis ay isang halimbawa ng idyoma o sawikain. Ang kahulugan nito ay pagiging dukha o mahirap. Ito ay tumutukoy sa mga tao na kabilang sa mababang uri ng lipunan. Ito ang mga tao na salat sa kaginhawahan at kasaganaan. Ang anak-pawis ay kadalasang iniuugnay sa mga magsasaka o manggagawa ngunit hindi naman lahat.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang anak-pawis sa ilang pangungusap upang mas maging pamilyar sa idyoma. Narito ang halimbawa:

  • Kahit anak-pawis ay naabot parin ni Ruby ang kanyang pangarap.

  • Marami ang nagbigay ng tulong para sa mga anak-pawis na magsasaka sa probinsya.

  • Ang anak-pawis na si Franco ay nagtiyaga at nagsikap upang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.

Ano ang idyoma o sawikain?

Ang idyoma o sawikain ay mga salita o parirala na nagpapahayag o nagtataglay ng talinghaga. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi literal. May natatago itong kahulugan sa iba't ibang bagay. Narito ang iba pang halimbawa ng idyoma o sawikain:

  • balitang kutsero - hindi totoong balita
  • balat sibuyas - maramdamin
  • kusang palo - sariling sikap
  • dalawa ang bibig - madaldal
  • butas ang bulsa - walang pera
  • hawak sa ilong - sunud-sunuran
  • bukas ang dibdib - maawain
  • kumukulo ang tiyan - gutom

Halimbawa ng Pangungusap na may Idyoma o Sawikain:

https://brainly.ph/question/2760393

#LearnWithBrainly