Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

I Tukuyin kung anong katangian ng isang mabuting kaibigan ang sinasaad ng pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon. Isang beses lang wamitin ang mga sagot

Mapagpatawad, Maunawain, Mapagmahal, Matulungin, Mapagkakatiwalaan, Magalang, Mapagpakumbaba, Mesalahanin, Masayahin, Matapat.

1. Kaibigan na pwede mong pagsabihan ng mga sikreto o lihim. Handang itago at hindi pinagsasabi sa iba.

2. Kaibigan na laging handang ibigay ang sarili lalo na sa oras ng kagipitan o pangangailangan.

3. Kaibigan na handang makinig sa opinyon mo na hindi nagagalit kung hindi siya sang-ayon sa sinabi mo.

4. Kaibigan na laging nandiyan sa ligaya o sa lungkot. Handang magsakripisyo para sa iyo.

5. Kaibigan na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon kung ikaw ay nagkamali o nagkasala.

6. Kaibigan na handang humingi ng tawad o paumanhin sa mga bagay na hindi pagkakaunawaan.

7. Kaibigan na hindi nagyayabang sa mga narating sa buhay. Marunong lumingon sa pinanggalingan.

8. Kaibigan na bumibisita sa iyo at nag-aalala kung ikaw ay maysakit o may problema.

9. Kaibigan na laging nandiyan upang ikaw ay patawanin o pasayahin sa oras na ikaw ay malungkot o may problema.

10. Kaibigan na hindi pinagtatakpan ang iyong kamalian. Laging nagsasabi ng totoo kahit ikaw pa ay masaktan kung ito ay para sa ikabubuti mo.

II. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at H kung hindi.

11. Ang tunay na kaibigan ay maaasahan sa hirap man o ginhawa.

12. Ang pagsang-ayon sa maling gawain ng kaibigan ay nagpapakita ng mabuting pakikipagkaibigan.

13. Ang mga kaibigan ay dapat pinapahalagahan.

14. Ang isang kaibigan ay itinuturing na isang biyaya.

15. Ang tunay na kaibigan ay madaling hanapin.

16. Lahat ng kakilala ay maaaring maging tunay na kaibigan.

17. Ang mabuting kaibigan ay handang magsakripisyo at magtiis para sa ikabubuti ng magkaibigan.

18. Kilalanin mabuti ang mga taong kakaibiganin dahil hindi lahat ay tunay na kaibigan.

19. Ang pagsunod sa kagustuhan ng kaibigan kahit ito ay nakakasama sa nakakarami ay tanda ng tunay na pagkakaibigan.

20. Kilatisin mabuti ang mga kinakaibigan dahil hindi lahat ay tunay at totoong kaibigan.​


Sagot :

Answer:

Mapagkakatiwalaan

Matulungin

mapagkumbaba

Matulungin

Mapagpatawad

Matapat

Maunawain

Maalahanin

Masayahin

matapat

II.

S

H

S

S

H

H

S

S

H

S

Explanation: