Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Answer:
Ang salitang ugat ng karimlan ay dilim.
Explanation:
Panlapi at Salitang Ugat
Ang salitang karimlan ay binubuo ng mga panlapi at salitang ugat. Ang karimlan ay ibang anyo ng salitang kadiliman.
- salitang ugat - dilim
- unlapi - ka-
- hulapi - -an
Ang ibig sabihin ng karimlan ay kawalan ng liwanag o kawalan ng pag-asa. Sa Ingles, ito ay darkness.
Pangungusap Gamit ang Salitang "Karimlan"
Naglaro sa karimlan ang mga batang paslit.
Naniniwala ang nakararami na laging mayroong liwanag sa likod ng karimlan.
Ang unos na dumating ay nagdulot ng karimlan sa mga tao sa bayan.
Ano ang panlapi at salitang ugat?
Panlapi
Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang ugat upang makabuo ng isang salita.
Mga Uri ng Panlapi
May tatlong uri ng panlapi:
- Unlapi - Ito ay inilalagay sa unahan ng salitang ugat.
Halimbawa:
mag- (maglaba, maglinis, magtago)
pa- (paalis, pabili, pakita)
nag- (nagluto, nagbihis, nagsayaw)
ma- (maligo, malambot, matuto)
- Gitlapi - Ito ay nakalagay sa loob o gitna ng salitang ugat.
Halimbawa:
um (kumain, sumali, tumawa)
in (tinabi, hinati, sinalin)
- Hulapi - Ito naman ay nilalagay sa hulihan ng salitang ugat.
Halimbawa:
-an (sulatan, kuhaan, sabihan)
-in (pilitin, buhatin, sungkitin)
Salitang Ugat
Ang salitang ugat ay isang salita na walang dagdag. Ito ay salitang buo ang kaniyang kilos. Sa Ingles, ito ay root word.
Halimbawa:
- takbo
- lakad
- tingin
- hingi
- kuha
- basa
- lakad
- sulat
- kain
- kopya
- linis
- tahi
- bangon
- ligo
- higa
- bihis
- hugas
- tawa
- nood
- kanta
Para sa mga halimbawa ng salitang ugat na ginamitan ng panlapi, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/213564
https://brainly.ph/question/172114
#LetsStudy
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.