Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.
Sagot :
Karagatan ng Daigdig
Ang limang karagatan sa daigdig ay ang:
- Indian Ocean O Karagatang Indiyano
- Pacific Ocean o Karagatang Pasipiko
- Southern Ocean o Katimugang Karagatan
- Atlantic Ocean o Karagatang Atlantiko
- Arctic Ocean o Karagatang Arktiko
Indian Ocean
Ang Karagatang Indiyano ay ang pangatlong pinakamalaki sa mga pagkakahati ng karagatan sa mundo, na sinasakop ang mga 20% ng tubig sa ibabaw ng daigdig. Halos 10,000 kilometro (6,200 milya) ang lawak ng karagatang ito sa mga katimugang dulo ng Africa at Australia. Tingnan din ang topograpiya ng Indian Ocean sa link na ito: https://brainly.ph/question/1173951.
Pacific Ocean
Ang Karagatang Pasipiko ay ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig. Sakop nito ang halos katluang bahagi ng kalupaan sa daigdig. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Asya at Australia, sa kanluran ng America sa silangan, sa timog ay ang Southern Ocean at sa kahilagahan ay ang Arctic Ocean.
Southern Ocean
Ang Katimugang Karagatan, kilala din bilang Dakilang Katimugang Karagatan, ang Karagatang Antartiko at ang Timog Polar na Karagatan, ay binubuo ng pinakatimog na mga tubig ng karagatan ng mundo na nasa timog ng 60° T latitud.
Atlantic Ocean
Ang Karagatang Atlantiko ay ang pangalawang pinakamalaking karagatan na sinasakop ang tinatayang 20 bahagdan ng ibabaw ng daigdig. Mababasa mo sa link na ito ang lupa na nakakasakop dito: https://brainly.ph/question/1691541.
Arctic Ocean
Ang Karagatang Arktiko ay ang pinakamaliit at ang pinakamababaw sa mga limang karagatan ng mundo. Paano naiiba ang Arctic glaze cap, Arctic methane at oceanification? Basahin din ang link na ito: https://brainly.ph/question/1603486.
Mga Larawan
Mauunawaan mo ang lawak ng limang karagatan ng daigdig kapag sinuri mo sila sa globo. Mapapansin mong napakalaki ng kanilang sukat at pagkakabaha-bahagi sa lupain.
- Sa unang larawan, makikita mo ang globo at ang kinalalagyan ng limang karagatan ng daigdig.
- Ilan pang impormasyon tungkol sa Pacific Ocean.
- Ang kakaibang tanawin sa Arctic Ocean. Tinatawag itong Aurora Borealis.
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.