Ang mga tao ang pinakaimportanteng ginawa ng Diyos, napansin naman natin na tayo ang huling nilikha ng Diyos upang magsilbing maging tagapangalaga ng ibang nilikha niya.
Maraming binigay sa atin ang Diyos na hindi kayang gawin ng ibang nilikha niya, sa mga halaman, binigyan tayo ng kapangyarihang makapagsalita, at kumilos ng malaya ng Diyos ngunit ang mga halaman ay hindi. Ang mga hayop, binigyan tayong makapag-isip ng maayos, makatarungan at tama ng Diyos samantalang ang mga halaman, kasama na ng mga hayop ay hindi. Marami rin namang binigay ang Diyos sa ibang bagay na kanyang ginawa na hindi natin kayang gawin. Tulad ng paggawa ng sariling pagkain ng mga halaman, na hindi natin kayang gawin pati na rin ng mga hayop.
Sadyang napakadakila at napakabait ng Diyos, dahil binigyan niya tayo ng mga kakayahan na hindi kayang gawin o walang kakayahan ang ibang nilalang, o bagay na kanyang ginawa.