Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng detalyadong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

ano ang ibig-sabihin konotatibo at denotatio

Sagot :

Ang kahulugan ng konotatibo ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. Ang konotatibo ay maaaring mag iba-iba ayon sa saloobin, karanasanat sitwasyon ng isang tao. Ang konotatibo ay nagtataglay ng mga pahiwatig ng emosyonal o pansaloobin ang mga salita. Habang ang denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Ang denotatibo ay ang literal o totoong kahulugan ng salita. Ang denotatibo ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan at ito ay ginagamit sa karaniwan at simpleng pahayag.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa paksa, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/832692

Tatlong bahagi ng denotatibong kahulugan

  1. ang salitang binibigyan ng kahulugan  
  2. palatandaan na limitado ang relasyon ng mga indibidwal sa pagiging magkaibigan  
  3. ang kaibahan ng bagay na ito sa iba pang bagay na sakop din ng kauriang kinabibilangan ng salita

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa paksa, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1706847

Halimbawa ng denotatibo at konotatibo

  • NILANGAW : Denotasyon: literal na may mga umaaligid na langaw sa sinasabing bagay, tao, o pagkain. "Nilangaw na ang pagkain sa mesa! Ayaw niyo pang kainin." - Konotasyon: Hindi masyado pinuntahan "Nilangaw ang palabas dahil nanonood ang mga tao ngayon ng pageant sa kani-kanilang bahay."
  • DINAGA : Denotasyon: Pinagp iyestahan ng daga ang isang bagay o pagkain. "Dinaga ang likuran ng bahay dahil maraming basura doon." Konotasyon: Natakot o pinangunahan ng takot - "Dinaga akong magsabi sa kanya ng totoo kong nararamdaman."

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa paksa, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/221970