Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

ano ang gamit ng regadera,asarol,piko,pala,palakol,karet,bareta,itak,trowel at kalaykay???


pls.. answer

Sagot :

MGA KAGAMITAN SA PAGHAHALAMAN

Regadera

  • Ginagamit sa pagdidilig ng halaman upang hindi malanta.

Asarol

  • Ginagamit sa paghuhukay at pagdurog sa mga matigas na lupa upang maging mabuhaghag

Piko

  • Mainam sa pagdurog ng malaki at matigas na tipak ng lupa at paghuhukay ng mga ugat at malalaking bato

Pala

  • Ang pala ay ginagamit sa paghuhukay at pag-aayos ng lupang taniman. Maaari rin itong gamitin sa paghahalo ng lupa at dumi ng hayop o iba pang patabang organiko

Palakol

  • Ang palakol ay ginagamit sa paghugis, pagbiyak at pagputol ng kahoy

Karet

  • Ang karet ay ginagamit bilang pantabas ng damo o kaya panggapas sa anihan

Bareta

  • Ginagamit ito sa pagbunot ng malali na pako, yaong nanigas na sa katagalan

Itak

  • Ginagamit sa pagputol ng mga sanga at puno ng malalaking halaman.

Kalaykay

  • Ginagamit ang  kalaykay sa pagpatag ng lupa gayundin sa pag-aalis ng mga malalaking tipak ng lupa at bato na maaring sagabal sa lupang pagtatamnan. Ginagamit din ito sa pagtitipon ng kalat o mga dumi sa halamanan.

Karagdagang impormasyon:

Kagamitan sa paghahalaman

https://brainly.ph/question/31261

Halimbawa ng paghahalaman

https://brainly.ph/question/2096824

Ano ang paghahalaman?

https://brainly.ph/question/414384

#LetsStudy