Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Kahulugan ng Lakandiwa
Ang lakandiwa ay isa sa mga tauhan sa balagtasan. Ito'y binubuo ng dalawang salita, lakan at diwa. Ang kahulugan nito ay taong tagapagpakilala ng paksa na paglalabanan sa balagtasan. Ito rin ang tagapamagitan sa katwirang inilahad ng mambabalagtas tungkol sa paksa. Tagahatol rin ito sa tikas, tindig at kakayahang umakit sa mga nakikinig ng mambabalagtas.
Ano ang balagtasan?
Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Ito ay mula sa pangalan ni Francisco Balagtas. Inilalahad ng sining na ito ang saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may tugmaan. Nagsimula ito noong Abril 6, 1924. Ito ang kapanganakan ni Balagtas at tanda rin ng pag-alala sa kanya.
Mga Tauhan sa Balagtasan
Bukod sa lakandiwa, may iba pang tauhan na bumubuo sa isang balagtasan. Ang mga ito ay ang mambabalagtas at manonood. Narito ang kahulugan ng bawat isa:
- Mambabalagtas - Ito ang tawag sa taong nakikipag-balagtasan. Ito ay tumutukoy sa mga makatang lumalahok na karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan.
- Manonood - Sila ang mga tagapakinig sa lakandiwa at mambabalagtas. Ang kahusayan ng mga mambabalagtas ay masusukat sa reaksyon ng mga manonood. Ang kanilang palakpak ang nagsisilbing inspirasyon para sa kanila.
Rules sa Balagtasan:
https://brainly.ph/question/432647
#LearnWithBrainly
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Ang iyong mga katanungan ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.