Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.

kahulugan ng mapusok

Sagot :

KAHULUGAN NG MAPUSOK

Ito ay tumutukoy sa pag-uugali ng isang tao. Makikita sa kilos at ugali ng tao ang kanyang pagiging agresibo, pagiging impetuous, sabik, masyadong masigasig.

Agresibo

• Handa, gustong umatake, gustong harapin, pagalit (hostile), bayolente o gustong makapanakit, gustong makapinsala, gustong makakompronta, gustong-gusto na makipag-away.

Impetuous

• Mabilis na pagkilos ng na hindi nag-iisip o hindi nangangalaga dahil iniisip lamang niya ang kanyang sariling kapakanan. Mayroong pabigla-biglang kilos ang isang tao.

Sabik

• Ito ay kilos at pag-uugali na sobrang nagpapataas ng emosyon dahil sa sobrang lungkot  o dahil sa tagal na hindi nakita o nagawa ang isang bagay.

Masyadong masigasig

• Ito ay nagmula sa salitang sigasig. Ito ay nangangahulugang  matiyaga, masikap, masidhi, masigla.

Halimbawa ng salitang mapusok sa pangungusap upang mas lubos nating maunawaan:

1. Mapusok ang lalaki sa kanyang pagnanasa sa babae.

2. Ang kabataan ay talagang mapusok sa pagmamahal kaya naman maraming maaga ang nagiging batang magulang.

3. Mapusok niyang sinugod ang kanyang mga kaaway sa sobrang galit niya.

4. Dahil sa mapusok nap ag-uugali ng mga kabataan kaya naman laganap ang immoralidad sa bansa.

5. Mapusok siya sa kanyang ninanais sa buhay kaya naman ay pinag-iigi niya ang kanyang pag-aaral.

6. Kilala ang mga muslim hindi lang sa pagiging mapusok kundi pati sa kanilang tapang at tibay.

Related links:

Kahulugan ng mapusok: brainly.ph/question/233341  

Kabaliktaran ng mapusok:brainly.ph/question/877731

brainly.ph/question/1924708

#LEARNWITHBRAINLY