Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Itanong ang iyong mga katanungan at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang "Ang Hatol ng Kuneho". Ipaliwanag.

Sagot :

Ang Hatol ng Kuneho

Sagot:

Ang pabulang Ang Hatol ng Kuneho ay nagsimula sa tigre na naghahanap ng kaniyang makakain, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon siya ay nahulog sa isang malalim na butas. Sumigaw ng sumigaw ang tigre para humingi ng tulong, hanggang sa may mapadaang isang lalaki. Pilit na nagmakaawa ang tigre na siya ay tulungan ng lalaki. Ngunit nagdadalawang isip ang lalaki dahil baka siya ay kain ng tigre.

Nang matulungan na ng lalaki ang tigre dahil ito’y nangakong hindi niya kakainin ang lalaki, agad na hindi tumupad ang tigre at inikutan ang lalaki. Unang humingi sila ng hatol sa isang puno.

  • Ang Hatol ng Puno ay dapat kainin ng tigre ang lalaki dahil:
  • Ang mga puno ay ginagawang kasangkapan ng mga tao
  • Pinuputol nila ang mga puno
  • Ginagawang panggatong at pang gawa ng mga kabahayan

Dahil naging ganoon ang hatol sila ay muling humingi ng ibang opiniyon mula sa dumaang baka.

  • Ang hatol ng baka ay kainin din ang tao dahil:
  • Ginagawang alipin sa pagtatrabaho ang mga baka
  • Pinangaararo sila ng mga bukid
  • Kinakain kapag matanda na

At sa huling pagkakataon mayroon isang kunehong napadaan at hiningan din nila ito ng hatol. Ang kuneho ay nakinig sa sitwasyon nila at hiniling na ipakita sa kaniya ang naging pangyayari. Bumalik sa puwesto ang dalawa.

Ang hatol ng kuneho ay walang  magiging problema kung hindi tinulungan ng tao ang tigre kung kaya’t mas magandang ang tao ay magpatuloy na lamang sa kaniyang paglalakbay at ang tigre ay  manatili sa butas.

Mga kasabihang maaring mahalaw sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho:

  1. Walang magandang maihahatid ang pagtatanim ng sama ng loob
  2. Ang pagtulong sa kapwa ay isang marangal na gawain.
  3. Ang mabuting gawa, kinalulugdan ng madla.
  4. Gawin mo sa kapwa mo, ang nais mong gawain sa iyo.  

Para sa mga iba pang aralin tulad nito, i-click ang mga link sa ibaba:

Buod ng "Ang hatol ng kuneho": https://brainly.ph/question/226134

Tauhan ng ang hatol ng kuneho: https://brainly.ph/question/459912

Simula ng hatol ng kuneho: https://brainly.ph/question/1829851

Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.