GAWAIN 1. PANUTO: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga sitwasyong ito. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon.
1. Kukuha kayo ng kaklase mo ng modyul pero nasa may tarangkahan ka na ng paaralan nang maalala mo na wala kang dalang face shield. Sabi ng kaklase mo ay magtago ka na lang sa likod niya para hindi makita ng gwardiya. Ano ang gagawin mo?
2. Nagkaroon ng Community Pantry ang inyong barangay. Ito ay upang tumulong sa mga nangangailangan sa panahon ng pandemya. walang nag babantay sa pantry dahil nais ng baranggay ng matutunan ng mga tao na maging matapat. sabi sa iyo ng kapit bahay mo, damihan nyo na ang pagkuha dahil walang nakakakita. susundin mo ba ang kapit bahay mo? bakit?