Gawain 4 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit marami pa ring mga Pilipino ang patuloy na nakipaglaban sa mga Amerikano sa kabila ng kabutihang ginawa nila sa bansa?
A Dahil nais ng mga Pilipino na makita ng mga Amerikano ang kanilang katapangan
B. Dahil naniniwala ang mga Pilipino na mas maayos ang pamamahala ng mga Espanyol
C. Dahil ayaw ng mga Pilipino na ilipat sa mga Amerikano ang dating pamamahala ng mga Espanyol
D. Dahil naniniwala ang mga Pilipino na hindi mabuti at pagkukunwari lamang ang ginawa ng mga Amerikano
2. Ano ang dahilan kung bakit ipinatupad ng mga Amerikano ang pamahalaang militar sa bansa?
A. Upang maging disiplinado ang mga Pilipino.
B. Upang masupil ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
C. Upang ipakita sa mga Pilipino na kayang magpatupad ng mahigpit na pamamahala ang mga Amerikano
D. Upang maipakita sa mga Pilipino na kayang higitan ng mga Amerikano ang kalupitan ng mga Espanyol
3. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag sa bansa na naging daan sa unti-unting pagsalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino?
A Pamahalaang Militar
C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Diktatoryal
D. Pamahalaang Monarkiya
4. Ang Batas Sedisyon o Sedition Law ay isa sa mga naging balakid sa pagbuo ng isang malayang bansa. Ano ang kaparusahan sa mga taong lumabag sa batas na ito?
A. Kamatayan o matagalang pagkabilanggo
B. Manilbihan sa gobernador-heneral ng bansa
C. Ipadala sa ibang bansa ang lumabag sa batas
D. Habang buhay na pagiging alipin sa mga Amerikano
5. Mahigpit na ipinatupad ng mga Amerikano ang Flag Law ng 1907 o Batas Bandila. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang probisyon tungkol dito na dapat sundin ng mga Pilipino?
A. Pagbabawal sa mga Pilipino na makipag-ugnayan sa mga Amerikano
B. Ipinagbabawal ang pangangampanya ng kalayaan laban sa mga Amerikano.
C. Pwersahang pagpapatira ng mga Pilipino sa kabayanan mula sa kanayunan.
D. Pagbabawal sa pagwagayway ng bandila banderitas at iba pang simbolo na may kaugnayan sa unang republika,