1.Bakit itinuturing na dakila sa Kasaysayan si Alexander the Great ng Imperyong Macedonia? *
A)Naging kakampi o alyansa niya ang mga Persians na matagal na naging katunggali ng mga Greeks.
B)Sa loob lamang ng sampung taon niyang pamamahala ay naitatag niya ang pinaka malaking imperyo sa daigdig noong kaniyang panahon
C)Sa loob ng ilang taon ay naikot niya ang buong daigdig at napuntahan ang lahat ng kontinente sa mundo.
D)Naging hari siya ng imperyo hanggang sa kaniyang katandaan
2.Bakit pinapaslang ang mga mahihinang sanggol sa Sparta? *
A)Pinapanatili lamang sa Sparta ang mga malalakas upang maging mandirigma
B)Nais ng Sparta na pagyamanin ang kultura at pakikipag kalakalan sa iba't ibang lungsod sa daigdig.
C)Hindi kaya ng polis na Sparta na suportahan ang mga medikal na pangangailangan ng mga may sakit
D)Pinaniniwalaan na malas ang mga mahihinang bata sa Sparta
3.Bakit binibigyan ng pagpapahalaga sa lipunan ng Sparta ang pagpapalakas ng katawan ng mga kalalakihan? *
A)Ang mga kalalakihan ang magiging mandirigmang tagapagtanggol sa Polis.
B)Ang mga kalalakihan ang tagapagtaguyod ng kanilang pamilya.
C)Mataas ang pagtingin sa mga lalaking Sparta kaysa kababaihan
D)Kabilang ang mga kalalakihan sa mataas na uri ng tao sa lipunan.
4.Bakit nagkaroon ng tunggalian ang Athens at Sparta na humantong sa Peloponnesian War? *
A)Nangamba ang Persian Empire sa lumalakas na kapangyarihan ng Greece
B)Nangamba ang mga polis sa lumalakas na impluwensya at kapangyarihan ng Athens
C)Nais pabagsakin ng Imperyong Macedonian ang mga polis ng Greece
D)Nais ng Athens na makipag alyansa sa Persian Empire
5.Bakit nagkaroon ng Greco-Persian War? *
A)Nais ng mga Persians na makipag alyansa sa mga Greeks
B)Nais ng mga Persians na makipag kalakalan sa mga Greeks
C)Nais ng mga Greeks na sakupin ang Persian Empire
D)Nais ng mga Greeks na pigilan ang Persian Empire sa pananakop sa kanilang lupain
6.Bakit isinagawa ng mga greeks ang Olympics? *
A)Mahilig ang mga Greeks sa pakikipag palakasan sa ibat't ibang mga bansa
B)Nais ng mga Greeks na tanghaling pinaka malakas sa buong daigdig
C)Bilang pagpupugay sa kanilang mga ninuno ang pagkakaroon ng mga paligsahan sa Greece
D)Bilang pagpupugay kay Zeus at bilang karangalan sa pagkakaroon ng magandang katawan
7.Bakit nagkaroon ng kani-kaniyang mga Polis o City-states ang Gresya? *
A)Dahil pinapahalagahan ng mga griyego ang demokrasya
B)Dahil nais ng bawat polis na makipag tunggali sa bawat isa
C)Dahil nais ng mga griyego na yumaman sa pakikipag kalakalan
D)Dahil sa heograpiya nito na bulubundukin at hiwa-hiwalay ang mga nabuong lungsod