Ang pinaka-ambag ng Athens sa mundo ay ang demokrasya. Pero ang uri ng demokrasysa sa kanila ay direkta. Ibig sabihin kahit na sinong lalaki na edad 20 ay pwede at may obligasyon na maging parte ng pagsasagawa ng batas. Sa ngayon ang demokrasya na meron sa mundo ay sa pamamagitan ng paghahalal ng mga representative na dapat ay mangalaga sa karapatan ng mga tao. Pero lahat ng ito ay nagsimula sa Athens, Greece noong ika-anim na siglo.
Sila Solon, Cleisthenes at Ephialtes ay mga taong nagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng demokrasya sa Athens sa loob ng maraming mga taon. Ang pinakamatagal naman na pinuno na sumunod sa mga pilosopiya ng demokrasya ay si Pericles. Pero bumagsak ang ganitong sistema dahil nakakita ng banta ang mga mayayaman sa pamumuno ng mga mahihirap.
#BetterWithBrainly
For more information:
Elite Democracy: https://brainly.ph/question/2119905
Direct at Indirect Democracy: https://brainly.ph/question/2109861