Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga propesyonal. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

5 halimbawa ng konkreto at di konkretong pangngalan


Sagot :

Halimbawa ng Konkreto at Di Konkretong Pangngalan

Ang konkreto at di konkretong pangngalan ay ang dalawang uri ng pambalana. Ang ilang halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod:

Konkretong Pangngalan

  • sapatos
  • libro
  • pinggan
  • tinapay
  • lapis
  • asin
  • itlog
  • ibon
  • pusa
  • kalan
  • tubig
  • isda
  • telebisyon
  • walis
  • kurtina

Di Konkretong Pangngalan

  • katapangan
  • kapayapaan
  • talino
  • kasipagan
  • kagandahan
  • enerhiya
  • buhay
  • tiwala
  • katapatan
  • dedikasyon

Ano ang pambalana?

Ang pambalana ay isang uri ng pangngalan. Ito ay patungkol sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang ngalan nito ay hindi tiyak o partikular. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik. Ang dalawang uri nito ay konkreto at di konkreto.

Ang konkretong pangngalan ay ang uri ng pambalana na nakikita, nahihipo o nahahawakan. Ginagamitan ito ng pandama upang bigyan ng pansin. Ang di konkretong pangngalan naman ay ang uri ng pambalana na nararamdaman lamang. Hindi ito nahihipo o nahahawakan.

Ano ang pantangi?

Ang pantangi naman ang isa pang uri ng pangngalan. Ito ay patungkol sa isang tanging tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang ngalan nito ay tiyak at partikular. Ito rin ay nagsisimula sa malaking titik. Narito ang ilang halimbawa:

  • Boracay
  • Jose Rizal
  • Ati-Atihan
  • Mongol
  • Toyota
  • Nike
  • Manila
  • Samsung
  • Alaska
  • Colourette

Kayarian ng Pangngalan:

https://brainly.ph/question/1746425

#LearnWithBrainly

Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa mas marami pang impormasyon at kasagutan.