Ang pag aalsa ng mga plebeians laban sa mga patricians ay nagsimula noong 494 BCE. Nag aklas sila sa buong bayan ng Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinatawag na Banal na Bundok doon nila binalak mag tayo ng sarili nilang lungsod. Sa takot ng mga patricians na mawalan ng alipin at mga mangagawa ay sinunod ng mga patricians ang tatlong kondisyon ng mga plebeians upang bumalik sa lungsod. (Ang tatlong kundisyon ay: pagpapatawad sa mga naging utang ng plebeians,pagpapalaya sa mga plebeian na nakulong dahil sa pagkakautang at ang magkaroon ng tribune na magtatangol sa kanila).. dahil sa wala ng nagawa ang mga patricians ay sinunod nila ang kondisyon at nagkaroon na din ng mga karapatan ang mga plebeians isinabatas na din ang 12 tables na batas ukol sa mga karapatang dapat tinatamasa ng mga plebeians kabilang dito ang makapag asawa ng patricians,maging kasapi ng senado,mahalal sa konsul at mabawasan ang panlilinlang dahil sa utang.