Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Banaue Rice Terraces, saan matatagpuan at ilarawan:
Ang Banaue Rice Terraces o Hagdan-Hagdang palayan ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao.
Ang bayan ng Banaue ay nasa:
- hilaga ng Hungduan
- silangan ng Sabangan
- kanluran ng Mayoyao
- timog ng Bontoc at Barlig
Paglalarawan sa Banaue Rice Terraces:
Ang Hagdan-hagdang palayan ay inililok sa bulubundukin na may taas na mahigit-kumulang sa 1,500 metro at may lawak na 10,000 kilometro kuwadrado.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa Banaue Rice Terraces saan matatagpuan at ilarawan, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/411283
Kahalagahan ng Banaue Rice Terraces :
- Maraming naidulot na mabuti ang Hagdan-hagdang palayan ng Banaue o Banaue Rice Terraces kaya naman ito ay mahalaga sa mga Pilipino at bansang Pilipinas.
- Ito ay madalas dinadayo ng mga turista galing sa iba't-ibang bansa dahil ito ay tinaguriang Ikawalong Wonder ng Mundo.
- Ito rin ay tinaguriang Pambansang Kultural na Kayamanan kaya bumibisita rin dito ang mga lokal na turista.
- Ito ay isang matipid na paraan ng pagsasaka dahil matipid ito sa lupa at pinapabagal nito ang agarang pagdaloy ng tubig sa paanan ng bundok.
- Ang malahagdang hugis nito ay mainam na kondisyon para sa mga pananim tulad ng palay.
- Ang malahagdang hugis nito ay napipigilan ang pagguho ng bulubundukin.
- Ang mga puno sa tuktok ng kagubatan ng bulubundukin ay sumasalo ng ulan upang ang tutulong tubig na dadaan sa sinaunang irigasyon na ginawa ng mga katutubo ay magiging mineralisado.
- Ito ay simbolo sa pagkatao ng mga Pilipino bilang masisipag, malikhain, matiyaga, at matatag.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahalagahan ng Banaue Rice Terraces, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/15697
Rehiyon ng Banaue Rice Terraces
Ang Banaue Rice Terraces ay nasa Rehiyong Administratibo ng Kordilyera o CAR (Cordillera Administrative Region).
Mga lalawigan sa CAR:
- Abra
- Benguet
- Kalinga
- Apayao
- Ifugao
- Mountain Province
Ang Banaue Rice Terraces ay makikita sa Ifugao.
Ang Banaue Rice Terraces ay dati rin kilala sa tawag na Hagdan-hagdang Palayan Patungong Kalangitan.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa rehiyon ng Banaue Rice Terraces, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/620956
Salamat sa pagpili sa aming serbisyo. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.