Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang mga sagot na kailangan mo mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa kanilang kaalaman at karanasan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Ano ang dalawang uri ng Sanaysay?

Sagot :

Ang dalawang uri ng Sanaysay

  1. Pormal na Sanaysay
  2. Di-Pormal na Sanaysay

  • Pormal na Sanaysay

Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.Ang mga salitang nakapaloob dito ay umaakma sa mga napiling isyu gayun din ito ay kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawa ng pananaliksik. Ang Pormal na sanaysay din ay naglalaman ng mga mahahalagang kaisipan at nasa maayos na pagkakasunod-sunod upang ito ay mas maunawaan ng mga mambabasa.

  • Di-Pormal na sanaysay

Ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan na,at magaan,sa mga paksang pang araw-araw at personal. Ito ay karaniwan ng naglalaman ng mga kuro-kuro nasasaloob, ng ibat-ibang bagay at mga pangyayari na nararanasan at nakikita ng may akda.

Ang sanaysay ay isa sa uri ng ating panitikan na nasusulat sa isang pirasong papel na  naglalaman ng pananaw ng may akda. karaniwan ng nilalaman nito ang pagpuna,opinyon, obserbasyon, impormasyon kuru-kuru, pang-araw araw na pangyayari at mumunimuni ng isang tao.sinasabing ito rin ay isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari.

Ang sanaysay ay may pitong elemento narito ang mga sumusunod:

  1. Tema at nilalaman- ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na isang paksa dahil sa mga kaisipang ibinahagi nito.
  2. Anyo at Istruktura- ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
  3. Kaisipan- ito ay tumutukoy sa mga ideyang nababanggit na kaugnay sa tema.
  4. Wika at Istilo- ito ay tumutukoy sa mabuting paggamit ng mga simple at natural ngunit matapat na mga pahayag.
  5. Larawan ng buhay- ito ay tumutukoy sa makatotohanan at masining na paglalahad ng may akda.
  6. Damdamin- ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng may akda kung ang sanaysay ba ay nailalahad ng may damdamin,kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
  7. Himig- ito ay tumutukoy kung ang sanaysay ba ay naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin.

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Halimbawa ng sanaysay https://brainly.ph/question/65424

Ano ang sanaysay at ibigay ang mga bahagi ng sanaysay https://brainly.ph/question/138575

Ano ang lakbay sanaysay https://brainly.ph/question/460623