Answer:Ang birtud o virtue sa Ingles ay nagmula sa salitang Latin na “vir” na nangangahulugang tao. Ang birtud ay mga bagay na tao lang nakakagawa na naaayon sa tama ngunit hindi natataglay sa pagkapanganak. Ang mga halimbawa nito ang pag-unawa, sining at agham, karunungan, maingat na paghuhusga, katarungan, pagtitimpi, at katatagan. Nalilinang lamang ng tao ang birtud sa pamamagitan ng pagkagawi (gawi) nito o mga sinasanayang pero kinawiwilihang gawaing nagpapakita sa katangian ng birtud (habit sa Ingles). Magkaiba ang birtud at pagpapahalaga o values sa Ingles. Ang pinagkaiba ng birtud sa pagpapahalaga ay: (1) ang birtud ay para sa lahat ng tao ngunit ang pagpapahalaga ay maaaring pansarili, (2) ang birtud ay bunga ng mahabang kasanayan samantalang ang pagpapahalaga ay pinagsisikapang makamit pa, at (3) ang birtud ay pinagpasyahang gawin na naaayon sa tama ngunit ang pagpapahalaga ay ginagawa na naayon sa paniniwala, saloobin, at mithiin.
Explanation: