Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan sa aming Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

Ang salitang kabihasnan ay nangangahulugang ____________?​

Sagot :

Answer:

Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay eksperto. Ito ay pamumuhay na nakagawian ng maraming pangkat ng tao. Kasama rito ang wika, paniniwala at sining.

hope it helps

Answer:

Kabihasnan:

Ang salitang kabihasnan ay tumutukoy sa isang kabanata ng kaunlaran ng isang lipunan. Kadalasan, ito ay nasasalamin sa pagiging sibilisado ng mga mamamayang kabilang sa lipunang ito. Katunayan, may mga palatandaan upang mabatid ang pag – unlad ng isang kabihasnan. Kabilang sa mga palatandaang ito ang arkitektura, edukasyon, sining, wika, at nakamit na gawaing intelektwal at pampamahalaan.  

Batayan ng Kabihasnan:

pinuno at batas

aktibong kalakalan

sistema ng pagsulat

mataas na antas ng agham at teknolohiya

Ang mga namumuno ang siyang unang batayan ng kabihasnan sapagkat ang pagkakaroon ng maayos na balangkas ng lipunan at pamahalaan ay kaakibat ng pag – unlad. Kapag ang mga namumuno ay maayos at organisado, idagdag pa ang mga batas na kumokontrol sa kanilang kapangyarihan, mas nagiging mabilis ang pag – unlad patungo sa kabihasnan. Sa pamamagitan ng mga batas nalilimitahan ang kapang yarihan ng mga namumuno at hindi sila mabibigyan ng pagkakataong mang abuso at maging tiwali.

Ang pagkakaroon ng aktibong kalakalan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo na ibinibigay ng mga mamamayan. ay isa ring batayan ng pag – unlad. Ang mga produktong ito ang sumusustena ng pangangailangan ng mga mamamayan ng isang lipunan at ang kakayahang maibahagi pa ang mga produktong ito sa labas ng pamayanang ito ay tunay na senyales ng pag – unlad. Gayundin, ang pagkakaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang lugar ay nakadaragdag sa pag – unlad.

Ang sistema ng pagsulat ay isa ring batayan ng pag – unlad. Ang pagkakaroon ng pagbabago mula sa sinaunang cuneiform at sa sistema ng panulat sa kasalukuyan ay malaking bahagi ng pagkamulat tungo sa kabihasnan. Matapos na matutunan ng tao na magsulat, magkakaroon na rin sila ng kaalaman ukol sa pagbasa at sa pakikipagtalastasan. Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay mahalang bahagi ng kalakalan. Bukod ditto, ang mga kaalamang natamo ay maaaring magdagdag sa pagkakaroon ng mataas na antas ng agham at teknolohiya.

Ang mataas na antas ng agham at teknolohiya ang nagbigay – daan sa pagkatuto ng mas marami pang kaalaman. Ang pagiging moderno ng isang lugar ay tiyak na batayan ng pag – unlad sapagkat ang tao ay nagpapamalas ng mga pagbabago hindi lamang sa kanilang pisikal na anyo maging sa uri ng kanilang pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang teknolohiya ang pinakamataas na salik ng kaunlaran ng bansa sapagkat ditto nagmumula ang lahat ng mga produkto at trabaho ng mga mamamayan.

Salamat sa pagpili sa aming serbisyo. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.