Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Ano ang pandiwang katawanin at pandiwang palipat? 20-30 sentence po. Thanks!​

Sagot :

PANDIWA

» Ang tinatawag nating pandiwa ay salitang nagsasaad o nagpapahiwatig ng kilos. Maaaring ang kilos na ito ay nakapag-iisa, o maaari ding may tumatanggap ng kilos na ito. May uri ang mga pandiwa, ito ay ang pandiwang katawanin at ang pandiwang palipat.

1. Katawanin

Ito ang mga pandiwang nakapag-iisa o may sariling kahulugan, at hindi na nangangailangan ng tagatanggap ng kilos.

Halimbawa:

- Gumising nang maaga upang hindi mahuli sa klase.

- Nagkukuwentuhan ang magkakaibigan.

- Magtatagumpay kaya ang balak kong ito?

2. Palipat

Ito ang mga pandiwang nangangailangan ng tuwirang layon o ng taga-tanggap ng kilos. Tila hindi buo ang kaisipan ng pandiwa kung wala ang tuwirang layon.

Halimbawa:

- Sinabi ko sa kaniya na walang pasok bukas

- Naghahanap sila ng makakain

- Bilhin mo ang bag na ito para sa akin.

Ito ay base lamang sa itinuro ng aming guro. Sana'y makatulong sa iyo!

#CarryOnLearning