Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang ipinahahayag at
MALI kung hindi wasto.
1. Ang Batas ng Pilipinas 1902 ay kilala rin sa tawag na Batas Cooper.
2. Ang Batas Jones ay kilala rin sa tawag na Philippine Autonomy Act.
3. Sinasabing ang Batas Tydings-McDuffie ay halos kopya lamang sa Batas Hare-Hawes Cutting.
4. Naging magkaiba ang pagtanggap nina Quezon at Osmeña-Roxas tungkol sa Batas Hare-Hawes Cutting kaya
nahati ang Partido Nacionalista.
5. Ang Misyong OSROX ay pinamumunuan nina Sergio Osmeña, Sr. at Manuel Roxas.
6. Ang lumagda sa Batas Tydings-McDuffie ay si Pangulong Aquino.
7. Ang Misyong OSROX ay naghanap ng batas na titiyak sa pagbibigay ng kalayaan sa Estados Unidos
8. Lahat ng misyong pinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos ay nabigo.
9. Kilala ang Misyong OSROX sa tawag na Misyong Pangkalayaan
10. Ayon kay Quezon isa sa hindi mainam na probisyon ng Batas Hare-Hawes-Cutting ay ang pananatili ng mga
base-militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.