(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit Salin ni Reynaldo S. Reyes Mula sa The Legend" by Damiana L Eugenio, UP Press Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud. sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kula na yari sa mga balong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing. Juan Kalindos, at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita sila'y nagkasundo na pangalanan ang lugar no Baysay na may kahulugang "maganda" bilang parangal at sa alaala ng kanilang mmgandang si Bungungsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hundi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, ala'y nagkasa at nagtatag ng karulang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang "Ang Pinakamaganda" bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan mi Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya't nagtayo nla ng kuta na yan sa mati tigas na halo sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng slog. Sa kulang to magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat al upang mamatyagan ang paparating na mga vinta. Noong 1832. ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang palad. ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming an-urian. Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naniniralansa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga hural na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kinalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol. Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na lore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring maraglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.
TANONG:
Isalaysay ang suliraning binsbanggit da loob ng teksto?
Sa paanong paraan inilaad sng kultura sa loob ng teksto?