Kahulugan ng Sumangguni
Ang salitang sumangguni ay may salitang ugat na sangguni. Ang kahulugan nito ay paglapit sa isang tao upang magtanong, kumonsulta at humingi ng payo. Ito ay isang paraan ng paghingi ng tulong sa taong may kaalaman. Ito ang pagdulog sa iba upang magkaroon ng kasagutan tungkol sa isang bagay. Sa Ingles, ito ay consult.
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang salitang sumangguni sa pangungusap. Narito ang mga halimbawa:
- Maraming tao ang pinipiling sumangguni kay Raffy Tulfo kaysa sa kanilang baranggay dahil sa mabilis niyang pag-aksyon sa mga nangangailangan.
- Nais kong sumangguni sa doktor sa susunod na Linggo dahil napapadalas ang pagsakit ng aking ulo.
- Huwag mong kalimutang sumangguni sa iyong guro kung paano gagawin ang iyong proyekto.
- Sumangguni kayo sa isang abogado para malaman niyo ang inyong lubos na karapatan sa lupa.
Mga malalim na salita at kahulugan:
https://brainly.ph/question/2752020
#LearnWithBrainly