Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Ang Duplo at Karagatan ay isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Ang Karagatan ay isa larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao, subalit sa Katagalugan ang Karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang prinsesa. Ang halimbawa ng Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang singsing ng isang prinsesa ay nahulog sa gitna ng dagat, pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang makakakuha nito.
Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang madulang debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili
Katangian ng Duplo at Karagatan
Katangian ng Duplo
- tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa babae.
- ang mga maglalaro ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
- ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan
- ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay .
Katangian ng Karagatan
- ang kwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat
- ang binatang makakakuha ng singsing ay ang pakakasalan ng dalaga
- sa laro na ito ay hindi na kailangang sumisid sa dagat ang lalaki na nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing
- ang laro ay ginaganap sa bakuran ng isang bahay
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Katangian ng Duplo at Karagatan tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/80114
Kasaysayan ng Karagatan at duplo
- Ang Karagatan ay ginamit sa panliligaw noon. Tulang laro na kalaunan ay napupunta sa pagliligawan noong panahon ng Espanyol.
- Ang Duplo naman ay laro sa paraan ng pagtula tuwing may patay noong panahon ng Espanyol.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa kasaysayan ng Karagatan at Duplo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/19271
Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo
- Sa Karagatan ang taong mananalo ay pag nasagot ang ibig sabihin ng mga salitang matalinghaga.
- Sa Duplo ang mananalo ay sa pamamagitan ng pagpalakpak ng mga manonood o mga nakikinig sa nag papalitan ng mga talinhaga.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/380438
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.