Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

PAGTATAYA #1

Maramihang Pagpili Panuto:
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng salitang ingratitude?
a. isang ugaling hindi dapat pamarisan
b. isang nakahihiyang gawi ng katauhan
c. isang mabigat na kasalanan sa lipunan
d. isang masamang ugali na nagpapababa sa pagkatao

2. Paano mo malalaman kung ang isang nilalang ay nagtataglay ng ingratitude?
a. kapag nandaraya sa kapwa
b. kapag kinalimutan ang pinagsamahan
c. kapag hindi kinilala ang tulong na natanggap
d. kapag hindi nagbabayand nang tamasa pinagbilhan

3. Bakit nagkakaroon ng entitlement mentality ang isang indibidwal?
a. dahil likas ito sa bawat tao
b. dahil nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili
c. dahil iniisip niyang kailangan ito ng sangkatauhan
d. dahil iniisip niyang karapatan itong dapat matugunan

4. Alin sa sumusunod ang isang antas ng kawalan ng pasasalamat ?
a. hindi pagtupad sa mga pangako
b. hindi pagtugon sa mga kahilingan
c. hindi pagbalik ng kabutihang loob sa kapwa
d. hindi pagbalik ng mga hiniram na kasangkapan

5. Tinawag si Ana ng drayber ng motorsiklong sinakyan at ibinigay ang payong na muntik na niyang makalimutan. Paano maipakikita ni Ana ang pasasalamat sa drayber ?
a. Sa pamamagitan ng paglibre sa ibang pasahero
b. Sa pamamagitan ng pagdoble ng kanyang pamasahe
c. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham pasasalamat
d. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang “salamat”

6. Hindi ipinaalam ni Ricky na siya ang iskolar ng isang pulitiko. Tama ba ang ginawa ni Ricky?

a. Mali, dahil nagging mapagmataas siya
b. Tama, dahil hindi naman ito kailangang ipagsigawan
c. Tama, upang hindi mahaluan ng pulitika ang kanyang katauhan
d. Mali, dahil kailangan niyang kilalanin ang tulong na ibinigay ng kapwa

7. Tuwang-tuwa si Roger sa natanggap na inaasam na sapatos mula sa kanyang tiya sa ibang bansa. Paano agad maipamamalas ni Roger ang pasasalamat sa kanyang tiya?
a. sa pamamagitan ng pagyakap nito kapag nakauwi na sa bansa
b. sa pamamagitan ng pagpapasabi ng pasasalamat sa kanyang mga magulang
c. sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham pasasalamat para sa kanyang tiya
d. sa pamamagitan ng pagtag sa kanyang tiya ng pasasalamat sa social media sa panahon ng pagkatanggap nito

8. Bakit kailangang magpasalamat sa biyayang kaloob ng kapwa?
a. sapagkat isa itong pagtanaw ng utang na loob
b. sapagkat nakatutulong ito sa popularidad ng tao
c. upang hindi ganahang tumulong ang iba sa kapwa
d. upang makapagbigay kasiyahan sa taong nagbigay ng tulong

9. Bakit sinasabing ang isang nilalang na mapagpasalamat sa mga biyaya ay kadalasang nakatatanggap ng maraming biyaya?
a. sapagkat nakikilala siya at kinakaawaan ng iba
b. sapagkat maraming kailangan ng maraming ayuda
c. dahil maraming tutulong upang makilala at maging sikat
d. dahil hindi magsasawang tumulong ang kapwa sa tao na marunong tumanaw ng utang na loob

10. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagpapasalamat?
a. Ito ay pagtanaw ng utang na loob
b. Ito ay isang magandang asal na dapat panatilihin
c. Ito ay pagpapatunay ng kasiyahan sa biyayang natamo
d. Ito ay pagkilala sa biyayang pinagkaloob ng Dakilang Maylikha

11. Bakit mahalaga ang pagpapasalamat?
a. sapagkat karapatan nilang magpasalamat
b. sapagkat ito ay tanda ng ating natamong biyaya
c. sapagkat walang ibang gagawa nito sa iyong kapwa
d. sapagkat ito ay tanda ng pagkilala sa biyayang natanggap

12. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa salitang gratis?
a. pagpapasalamat sa piling mga biyaya
b. pagpapasalamat ng malugod sa kapwa
c. pagpapasalamat ng may pagtatangi sa kapwa
d. pagpapasalamat ng libre at walang inaasahang kapalit

13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa salitang gratia?
a. Ang pagpapasalamat ay malugod sa kaibuturan
b. Ang pagpapasalamat ay nagdudulot ng kasiyahan
c. Ang pagpapaslamat ay kailangan upang muling tulungan
d. Ang pagpapaslamat ay pagtatangi sa tong pinapasalamatan

14. Ano angkahalagahan ng pagiging mapagpasalamat?
a. Ito ay ugaling dapat paunlarin
b. Ito ay kakayahang dapat panatilihin
c. Ito ay nagpapakita ng kakayahang magbalik ng utang na loob
d. Ito ay nagpapakita ng kagandahan asal at nag-aangat sa pagkatao

15. Binigyan si Rose ng bulaklak ng kanyang kaibigan sa kaarawan nito. Paano niya matutugunan agad ng pasasalamat ang kanyang kaibigan?
a. Sa pamamagitan ng pagngiti at pagyakap sa kaibigan
b. Sa pamamagitan ng pag-text sa kaibigan kung maaalala niya na ito
c. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham pasasalamat sa susunod na buwan
d. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mamahaling regalo sa mismong kaarawan din nito​