Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Answer:
Una, hilingin sa panalangin ang banal na espiritu, na makakatulong sa mga Kristiyano na makapagpakita ng tunay na kabutihan. (Gal. 5:22) Matutulungan tayo ng espiritu ng Diyos na ibigin ang kabutihan at kapootan ang kasamaan. (Roma 12:9) Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay magpapatatag sa atin sa “bawat mabuting gawa at salita.”—2 Tes. 2:16, 17.
Ikalawa, basahin ang Salita ng Diyos. Kung gagawin natin iyan, maituturo sa atin ni Jehova ang “buong landasin ng kabutihan” at maihahanda niya tayo sa “bawat mabuting gawa.” (Kaw. 2:9; 2 Tim. 3:17) Kapag binabasa at binubulay-bulay natin ang Bibliya, pinupuno natin ang ating puso ng mabubuting bagay tungkol sa Diyos at sa kaniyang kalooban. Kaya para tayong naglalagay rito ng kayamanan na makakatulong sa atin kapag kailangan na natin ito.—Luc. 6:45; Efe. 5:9.
Ikatlo, tularan kung ano ang mabuti. (3 Juan 11) May mga halimbawa sa Bibliya na matutularan natin. Siyempre, ang pinakamahuhusay na halimbawa ay si Jehova at si Jesus. Pero may iba pang nakilala dahil sa kabutihan nila. Baka naiisip mo sina Tabita at Bernabe. (Gawa 9:36; 11:22-24) Puwede mong pag-aralan ang ulat tungkol sa kanila, at tingnan mo kung paano sila tumulong sa iba. Pag-isipan kung paano ka makakatulong sa iyong kapamilya o kakongregasyon. Tingnan din kung paano nakinabang sina Tabita at Bernabe sa pagkakaroon ng reputasyon bilang mabubuting tao. Kung tutularan mo sila, makikinabang ka rin.
Explanation:
Read bible to seek God
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.